-- Advertisements --

Isa sa siyam na pari na nagpositibo sa Covid-19 virus sa Christ the King Mission Seminary sa Quezon City ang binawian ng buhay.

Ang siyam na pari ay kabilang sa 25 na tinamaan ng nakamamatay na virus.

Ayon kay Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) Chief Dr. Rolando Cruz, ang nasabing facility ay mayruong populasyon na 59 individuals kung saan 34 negatibo sa virus habang 25 ang positive sa virus kung saan halos kalahati sa kanilang populasyon.

Sinabi ni Dr. Cruz sa 25 na nag positibo siyam dito mga pari at 16 ang empleyado.

Batay sa datos ng CESU as of September 18, nasa 11 sa positive cases ang naka rekober, 13 ang nananatiling active habang isa ang pumanaw.

Sinabi ni Dr. Cruz, na ang nasawing pari ay kabilang sa dalawang index cases na naitala nuong September 3.

Sa ngayon, tanging ang Villa Cristo Rey Seminary at ang Fininman Building ang isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCL) simula nuong September 18.

Sa ngayon, nasa apat ng religious facilities ang isinailalim sa lockdown dahil sa Covid-19 cases.

Kabilang ang Stella Maris Convent (since September 10), Religious of the Virgin Mary (September 14), at Convent of the Holy Spirit (September 15).

Samantala, bumuo na ang Quezon City government ng panibagong guidelines para sa ventilation ng mga buildings at workplaces para maiwasan at makontrol ang paglaganap ng Covid-19.

Nais kasi ni Mayor Joy Belmonte na ang mga facilities at work places sa siyudad ay resistant sa virus transmission.

Ang nasabing guidelines ay ipapatupad ng Department of Building Official (DBO), City Architect Department, at City Engineering Department upang mahigpit na masunod ang minimum standards sa bentilasyon ng mga gusali o istruktura sa loob ng teritoryo ng lungsod Quezon.

Upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod, mahalagang ang mag self-report kung ang isang indibidwal ay nagpositibo sa virus, nakakaramdam ng sintomas o naging close contact ng nagpositibong indibidwal.