-- Advertisements --

Naniniwala si Agriculture Secretary Tiu Laurel na kailangan nang ma amyendahan ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act para sumiglang muli ang industriya ng pagniniyog sa bansa.

Ito ay batay na rin aniya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa kalihim, kailangan ang amyenda upang magamit ang pondo sa pagtatanim muli dahil marami nang matatandang puno ng niyog.

Ibig sabihin, ang mga lumang puno ng niyog ay mas kakaunti ang bunga kumpara sa mga batang puno nito.

Batay sa datos , may 3 milyong magsasaka sa 3.6 milyong ektarya ng niyugan sa bansa, ngunit hindi gaanong mahusay ang sektor na ito.

Inaasahan na sa pamamagitan ng reporma ay maitataas muli ang produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka.

Ang industriya ng pagniniyog sa bansa ay nagluluwas ng USD2 bilyong halaga ng produkto taun-taon.

Sa sandaling mapabilis na ang pagtatanim ng mga puno ng niyog, matitiyak ang pagpapanatili ng industriya niyo.

Noong nakalipas na taon, aabot sa 8.6 milyong binhi ang itinanim ng Philippine Coconut Authority lampas sa target na 8.5 milyon.

Ang pag-amyenda ay magbibigay-daan sa PCA na tumuon sa irigasyon, paglalagay ng abono, at kapakanan ng mga magsasaka.

Kaugnay nito ay patuloy ang konsultasyon ng DA sa mga ahensya at grupo ng magsasaka upang masigurong makakatugon ang amyenda sa pangangailangan ng sektor.