-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng dating beauty queen na si Lara Quigaman na ito ay isang preschool teacher na sa Canada.
Sinabi nito na mayroon itong apat na klase sa preschool at pagkatapos naman ay doon siya sa out-of-school care na iba’tibang age group.
Taong 2011 ng ikinasal ito sa asawang si Marco Alcaraz sa Canada kung saan nagkasundo sila ang pagbuo ng pamilya.
Kaya noong Abril 2024 ay nagpasya silang lumipat na silang pamilya sa Canada.
Nitong Hunyo ng ibinahagi ng beauty queen ang pagtatapos niya ng Diploma in Early Childhood Education sa Canada.
Aminado ang Miss International 2005 na naging mahirap ang desisyon niya na iwan ang career at buhay sa Pilipinas subalit isang maituturing niya na katuparan ng pangarap ang lahat.