CEBU CITY – Pumanaw na nitong nakalipas na Sabado ng gabi ang isang person under investigation (PUI) na naka-admit sa isang pribadong ospital sa Negros Oriental dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Liland Estacion, commander ng COVID-19 Incident Command System (ICS) pumanaw na ang 39 anyos na pasyente habang hinihintay ang resulta sa swab test nito na ipinadala sa Vicente Sotto Memorial medical Center sa Cebu City noong araw ring ‘yon.

Umabot na sa limang indibidwal sa Negros Oriental ang naiulat na pumanaw ngunit dalawa lang sa mga ito ang nagpositibo kabilang ang konsehal sa Tayasan at sister-in-law nito.

Negatibo naman sa COVID-19 ang dalawang babaeng PUIs na namatay din kalaunan habang wala pa ring resulta sa isang fatality na 39-anyos.