ROXAS CITY – 1 patay habang sugatan ang apat na iba pa matapos mabangga ng sasakyan ang pader sa Barangay Agkilo, Panit-an, Capiz.

Kinilala ang napatay kay Sonia Aguilos habang patuloy na ginagamot sa ospital ang apat na iba pang biktima na sina Kagawad Joseph Denobo driver ng Toyota vios na sasakyan, Mario Aguilos, menor de edad na si Shaina, pawang residente ng Barangay Intampilan, Panit-an at Diolito Dolor ng Poblacion Ilaya, Panit-an.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Panit-an PNP na papunta sa ospital ang mga biktima, para dalhin si Mario na sumasakit ang tiyan.

Tinangkang mag-overtake ng sasakyan ng mga biktima sa motorsiklo ngunit nawalan ito ng kontrol at aksidenteng nabangga ang pader ng isang gate.