-- Advertisements --

Isasailalim sa lockdown ang buong Batasang Pambansa Complex sa Quezon City simula sa Hulyo 23.

Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa darating na Hulyo 28.

Tanging mga essential personnel lamang ang maaring payagan na makapasok sa Batasang Pambansa Complex.

Sa araw naman ng Lunes, Hulyo 21 ay isasagawa ang ocular inspection na pangungunahan ng inter-agency body.

Asahan din na magiging mahigpit ang seguridad na ipapatupad sa paligid ng Batasang Pambansa Complex simula sa susunod na linggo.