-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang ka tao habang dalawa naman ang sugatan kabilang na ang isang menor de edad sa nangyaring pamamaril sa isang lamay sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Kinilala ni PLt. Ramil T. Sisi, Deputy Chief of Police ng Tupi Municipal Police Station ang nasawi na si Tommy Sechico, 37 anyos habang ang mga sugatan naman ay sina Loyd Sonsona, 18 anyos at isang 12-anyos na menor de edad at pawang mga residente ng nasabing barangay.

Ayon kay PLt. Sisi, dead on the spot si Sechico matapos na magtamo ng anim na tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Lumabas sa imbestigasyon na habang nagsusugal ang mga biktima sa isang lamay ay pumasok ang isang naka-bonnet na suspek na armado nilapitan ang biktima na na si Sechico at pinagbabaril.

Nadamay lamang ang dalawa pang biktima kabilang ang menor de edad.

-- Advertisement --

Agad naman na tumakas ang suspek matapos gawin ang pamamaril.

Sa ngayon, blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen.