LA UNION – Dead on the spot ang isang 30-anyos na binata matapos ma-aksidente sa kalsada na sakop ng Barangay Sagayad, San Fernando City, La Union bandang alas 2:40 ng madaling araw kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Jason Apiado, residente sa naturang lugar.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo La Union, head-on collision ang motorsiklong minaneho ng biktima at motorsiklong minaneho naman ni Junie Almoguera, 40, na naninirahan din sa nasabing barangay.

Sa initial report, magkasalubong ang 2 sasakyan ng mangyari ang aksidente.

Kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver, ngunit idineklarang dead-on-the spot si Apiado ng City Health and Wellness Center.

-- Advertisement --

Samantalang si Almoguera ay patuloy na ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) dito sa syudad.