-- Advertisements --
itali1

Nasawi ang isang babae habang 10 ang naiulat na nawawala o missing sa nangyaring landslide sa Italian holiday island of Ischia, matapos makaranas ng napakalakas na ulan.

Batay sa pahayag ng isang Italian official tumama ang malakas na ulan sa may port of Casamicciola Terme na isa sa anim na maliit na bayan sa naturang isla na nag sanin ng malawakang pagbawa at paguho ng ilang mga buildings.

Sa isang pahayag sinabi ni Claudio Palomba ang prefect of Naples batay sa nakuha nilang report isang babae ang nasawi, walong nawawalang indibidwal ang narekober na kabilang ang isang bata.

Nailikas na rin ang nasa 100 mga indibdiwal na nakatira malapit sa landslide area.

Una ng inihayag ni Infrastructure Minister Matteo Salvini na walong indibidwal ang nasawi.
na 70 bumbero ang nagtatrabaho sa isla, na nasa 30 km (19 milya) mula sa Naples, upang iligtas ang mga residente mula sa mga nasirang gusali at hanapin ang mga nawawalang tao.

“There are some difficulties in the rescue operations because the weather conditions are still challenging”, ayon kay Interior Minister Matteo Piantedosi.

Ang Ischia ay isang bulkan na isla na umaakit sa mga bisita sa mga thermal bath nito at nakamamanghang maburol na baybayin.

Noong 2006 nagkaroon din ng isang pagguho ng lupa sa nasabing isla.

Ayon naman kay Italian Prime Minister Giorgia Meloni mahigpit siyang nakikipag-ugnayan kay Civil Protection Minister Nello Musumeci at sa local Campania Region.

“The government expresses its closeness to the citizens and mayors of the municipalities on the island of Ischia and thanks the rescuers engaged in the search for the missing,” pahayag ni Meloni.

Sa kabilang dako, nagpapatuloy ang mga rescue team sa paghahanap sa mga nawawalang indibidwal.