-- Advertisements --

Tiniyak ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi magagamit ang Office of the Ombudsman bilang ‘political weapon’. 

Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo sa naturang kalihim, kanyang sinabi na makasesegurong hindi magagamit ang pagka-Ombudsman kontra o laban sa usaping pampulitikal. 

Kanya pang pagtitiyak na sakaling siya ang maitalaga sa posisyon, ang opisina nito ay siyang ligtas sa ‘political harrasment’ sapagkat magiging patas umano siya bilang Ombudsman. 

Bukod pa rito’y binigyang diin pa ng naturang kalihim na tama at wasto lamang ang kanyang pagbibigay ng ‘clearance’ sa pagkakaaresto at pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court. 

Giit ni Justice Secretary Remulla, mayroon namang sapat na basehan ito para maisakatuparan maipadala ang dating pangulo tungo The Hague, Netherlands. 

Samantala, dumulog naman sa tanggapan ng Korte Suprema ang secretary-general ng Coalition Against Corruption at Kilusang Pagbabago National Movement for Change na si Monalie Dizon. 

Nais niyang mabigyan atensyon ang reklamo hinggil sa umano’y mga pekeng notisya at subpoena na kumakalat. 

Partikular raw kasi sa Olangapo City. mayroong mga piskal na sangkot umano sa ‘falsified documents’ na sina Deputy City Prosecutor Ria Nina Sususco at Associate City Prosecutor Lilia Hinanay-Escusa. 

Nag-ugat aniya ito sa pekeng kaso isinampa laban kay Simon Su na may kaugnayan sa rape at serious illegal detention gamit ang ngalan at pekeng pirma.