-- Advertisements --
VP Leni Robredo ICAD drugs

Hindi umano magagarantiya ng Philippine National Police (PNP) na walang mamamatay sa mga isasagawa nilang mga anti-drug operations.

Ito’y kasunod sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na dapat itigil na ang patayan sa mga operasyon lalo na sa illegal drugs.

Ayon kay NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas, gagawin nila ang lahat para makamit ang zero killings sa kanilang operasyon.

Pero kung kinakailangan nila na depensahan ang kanilang mga sarili ay gagawin nila.

Tiniyak naman ni Sinas na tutuparin nila ang anumang magiging mandato sa kanila ni Robredo.

Wala rin aniya problema kung sasama ang pangalawang pangulo sa operasyon pero kailangan tignan din nila ang kaniyang seguridad.

Ayon naman kay PNP spokesperson Brig. Gen Bernard Banac, suportado ng PNP ang anumang hakbang ng Vice President.

Una nang dumalo si PNP OIC chief Lt. Gen. Archie Gamboa sa pulong na ipinatawag ni VP Leni.