-- Advertisements --

Masaya pa rin si American tennis star Venus Williams kahit na bigo ito sa unang round ng US Open.

Tinalo kasi siya ni Karolína Muchová ng Czech Republic sa score na 6-3, 2-6, 6-1.

Ayon sa 45-anyos na si Williams ay maipagmamalaki pa rin niya ang sarili dahil sa kaniyang paglalaro.

Ito ang unang grand slam na laro ni Williams mula pa noong 2023 US Open at ang pang-apat na laro mula ng bumalik sa tennis noong Hulyo matapos ang 16 na buwan na hindi paglalaro.