-- Advertisements --
Itinanggi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglabas sila ng anunsiyo ukol sa kawalan ng pasok sa paaralan at gobyerno sa araw ng Miyerkules , Agosto 27.
Kasunod ito sa pagpost sa social media page na “Philippine Weather Advisory”.
Ayon sa DILG na fakenews ang ipinost ng nasabing Facebook Page dahil wala silang inaanunsiyo.
Desidido rin ang DILG na magsampa ng kaso laban sa nasabing nagpapakalat ng pekeng balita.
Magugunitang nabigyan ng karapatan ang DILG na mag-anunsiyo ng kanselasyon ng mga pasok sa eskuwela at gobyerno tuwing mayroong sama ng panahon.