-- Advertisements --

Nanindigan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na personal lamang itong dadalo sa ipinatawag na pag-uusap nila ng Russia sa Turkey kapag dadalo si President Vladimir Putin.

Giit nito na hindi ito makikipag-usap sa sinumang tauhan o opisyal na kakatawan kay Putin sa nasabing usapin.

Handa umano si Zelensky na bumiyahe sa Turkey matapos na hikayatin siya ni US President Donald Trump na harapin si Putin.

Kinumpirma rin ng White House na magtutungo sa Turkey si US Secretary of State Marco Rubio para dumalo sa itinakdang cease-fire deal.

Magugunitang patuloy ang ginagawang pagsulong ng US ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine matapos ang mahigit na tatlong taon na labanan.