-- Advertisements --
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang isang lindol na yumanig sa bahagi ng Zambales kaninang alas-6:11 ng umaga.
May lakas itong magnitude: 4.5 at may lalim: 10 kilometro.
Natukoy ang epicenter sa tinatayang 49 kilometro sa timog kanluran ng Cabangan, Zambales.
Instrumental Intensities:
Intensity I – Abucay, Bataan
Intensity I – Iba, Zambales
Ayon sa PHIVOLCS, mahina lamang ang naramdamang pagyanig sa mga nabanggit na lugar at wala itong inaasahang pinsala.















