-- Advertisements --

Isiniwalat ng nagbitiw na mambabatas na si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang dahilan ng kaniyang pananatili sa labas ng bansa sa kabila pa ng alegasyong nagtatago na umano siya matapos madawit sa kontroberisya ng flood control anomaly.

Sa inilabas na video ng dating kongresista, ipinaliwanag ni Co na umalis siya ng Pilipinas noong Hulyo 19 ng kasalukuyang taon para magpagamot at nakaplanong bumalik pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Subalit, habang pauwi na sana siya ng Pilipinas, nakatanggap siya ng tawag mula kay dating House Speaker Martin Romualdez at sinabihan siyang huwag bumalik ng bansa at aalagaan siya gaya ng inutos ng Pangulo, kung kayat tumalima siya.

Subalit ang ibig sabihin pala nito ay gagamitin lamang siyang panakip butas para sa kampanya ng administrasyon laban sa korapsiyon.