Nakataas ngayon ang yellow alert sa Quezon City matapos makapagtala ng aabot sa halos 30 kaso ng Covid-19 kada araw sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) head Dr. Rolly Cruz, maliban sa pagtaas ng average daily cases, may dalawa pang indikasyon na naobserbahan mula noong Hunyo 9, 2022.
“Kaya itong Early Warning System natin ay umakyat sa yellow, kasi nakitaan namin ng dobleng pagtaas ng kaso dito sa Quezon City,” wika ni Cruz.
Ang average positivity rate ay dumoble sa 3.10 percent mula 1.50 percent noong Mayo 27 hanggang Hunyo 2, 2022.
Maliban dito, lumobo sa 3.4 percent mula 1.1 percent noong nakaraang linggo ang forecasted reproduction number.
Naniniwala si Cruz na may posibilidad na tumaas pa ang Covid-19 cases sa mga susunod na dalawang linggo.