-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Dalawa ang patay matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 1, Barangay Bayugan 2, bayan ng San Francisco, Agusan del Sur, pasado alas-4:30 ng madaling-araw kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Joselito Ubamen Rollorota at Juliet Custodio, kapwa nasa wastong gulang at parehong residente ng Purok 6, Sitio Dayo, Brgy Consuelo, sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng San Francisco Municipal Police Station, bumiyahe ang dalawa sakay ng tricycle mula Rosario patungong San Francisco proper nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.