Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commencement exercise sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ‘Kadaligtan’ Klaseng 2025 sa San Narciso, Zambales ngayong araw.
Ang PMMA ‘Kadaligtan’ Class ay binubuo ng 252 cadet.
Sa mga ito, 144 ang nagtapos ng Bachelor of Science (BS) sa Marine Transportation, at 108 ang nakakakuha ng BS Marine Engineering.
Ang nangungunang estudyante ng klase ay si Midshipman First Class (MIDN/1CL) Marc John Castañeto mula sa Llanera, Nueva Ecija.
Ang mga nagtapos na mga kadete ay nakatakdang sumama sa Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), at Merchant Marine Fleet bilang mga licensed marine engineers at deck officers.
Ang mga ito ang tutulong sa bansa na mapanatili ang reputasyon bilang key player sa global maritime industry.
Sa talumpati ng Pangulong Marcos kaniyang binigyang-diin napatuloy na isusulong pamahalaan na magiging matibay at mas mataas ang antas ng pagsasanay ng mga kadeteng marinero sa ating bansa.
Bilin ng Pangulo sa mga kadete na palagiang itaas ang bandila ng PMMA at ng bansa saan man sila mapadpad.
Binigyang-diin ng Pangulo na gumagawa na rin anya ang MARINA ng iba’t ibang hakbang upang maparami ang oportunidad para sa onboard training, na mahalaga sa praktikal na paghahanda ng mga kadete at pagpapalakas ng kanilang kasanayan bago harapin ang hamon ng dagat.
Samantala, hinikayat rin ng Pangulo ang mga bagong graduate ng PMMA class of 2025 na ipagpatuloy ang tradisyon ng kahusayan at dalhin ang kanilang misyon sa bawat paglalakbay sa karagatan.