-- Advertisements --
Umaasa si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magiging mabunga ang gagawing pulong nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.
Sinabi nito na umaasa ang Ukraine kay Trump na maiplantsa niya ang lahat at matapos ang giyera sa pagitan nila ng Russia.
Naniniwala din ito na mahihikayat ni Trump si Putin na magkaroon ng pulong kasama na ang Ukraine.
Hindi rin ibinalewala ni Zelensky ang pagdagdag niya ng mga sundalo sa Donetsk at Zaporizhzhia regions na isa sa mga maaaring talakayin nina Trump at Putin.
Magugunitang nakatakdang magkaroon ng pulong sina Trump at Putin na gagawin ito sa Anchorage City, Alaska.