Wuhan Marathon
-- Advertisements --

Kinansela ng China ang Wuhan Marathon dahil sa pangamba na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayaw kasi ng China na lumubo pa ang kaso ng COVID-19 lalo na at nalalapit na ang 2022 Beijing Winter Olympics.

Inaasahan kasi na lalahukan ito ng nasa 26,000 katao sa mga event na kinabibilangan ng full marathon at half marathon.

Nitong nakaraang araw lamang ay nagtala ng China ng 26 panibagong domestic COVID-19 cases.

Tiniyak naman ng organizer na kanilang ibabalik ang lahat ng mga binayad ng mga lalahok.

-- Advertisement --