Naghain ngayong araw ang ilang mga abogado, at ‘environmentalists’ sa Korte Suprema upang hilingin maglabas ito ng ‘Writ of Kalikasan’ kaugnay sa isyu ng mga pagbaha sa bansa.
Isa sa mga petitioner ay ang abogadong si Atty. Antonio Ariel Inton Jr. kung saan kanyang ibinahagi ang paghahain ng petisyon ay para atasan ng Kataas-taasang Hukuman ang mga ahensiya ng gobyerno gumawa ng aksyon hinggil rito.
Hiling nila na magkaroon ng ‘massive clean-up’ para sa kalikasan o kapaligiran ng bansa na ngayo’y kadalasang nakararanas ng agarang pagbaha.
Habang nakapaloob at kasama rin sa mga kahilingan ng ‘petitioners’ na atasan maging si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para tukuyin nito ang ‘master plan’ ng gobyerno para sa flood control ng bansa.
Bunsod nito’y mariin pang inihayag ng naturang abogado na ang pagbahang nararanasan sa iba’t ibang mga lugar sa bansa ay maituturing bilang banta sa kalikasan.
Kaya’t kasabay ng paghahain ng petisyon upang mag-isyu ng ‘Writ of Kalikasan’ ang Korte Suprema ay para di’ maipasawalang bahala ang obserasyon ng publiko hinggil sa isyu ng pagbaha.
Dito pa binigyang diin ng ‘petitioner’ ang kahalagahan na maipa-back job na lamang sa mga kontratista ang ‘substandard’ na flood control projects upang ito’y maisaayos.
Giit niya’y hindi na kailangan pang paglaanan ng panibagong pondo kundi ipa-back job na lamang kaysa maglabas o magbayad pang muli.