Inanunsiyo ng Washington Wizards na hindi na nila makakasama si five-time All-Star guard John Wall sa pagbabalik ng season.

Sinabi ni Wizards general manager Tommy Sheppard, hindi pa 100 porsyento na handa ito sa paglalaro.

Bukod aniya sa hindi pa ito masyadong gumagaling mula sa kaniyang injury.

Mula kasi noong Disyembre 2018 ay hindi na ito nakapaglaro matapos na operahan sa kaliwang tuhod.

Naging No. 1 overall pick noong 2010 NBA Draft si Wall at naging all-time leader sa steals at assists.