Reading Time: 1 minute
OSAKA AND WILLIAMS
Williams and Osaka/ US Open image

Maghaharap sa quarter-finals ng Rogers Cup sina Serena Williams at Naomi Osaka.

Ito ang unang paghaharap ng dalawa mula noong 2018 US Open final kung saan nagwagi si Osaka.

Tinalo kasi ni Williams si Ekaterina Alexandrova ng Russia sa score na 7-5, 6-4.

Nagwagi naman ang Japanese tennis player na si Osaka kay Polish tennis star Iga Swiatek sa score na 7-6 (4), 6-4.

Ayon sa US tennis star na pinaghandaan niyang mabuti ang paghaharap muli nila ni Osaka.