Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang World Health Organization (WHO) sa mga opisyal ng United Kingdom dahil sa pagkalat ng bagong uri umano ng coronavirus.

Mabilis aniyang kumalat ang bagong uri kumpara sa naunang coronavirus.

Dagdag pa ng WHO na bukod sa UK ay nakita rin ang parehas na mutation sa Netherlands, Denmark at Australia.

Nauna nang naghigpit ang ilang bansa sa Europe sa pagpapasok ng mga flights at trains mula sa UK.

Inamin ni British Prime Minister Boris Johnson na mas mabilis sa 70% ang paghawa ng bagong uri ng coronavirus kumpara sa naunang uri ng COVID-19.