-- Advertisements --

Aabot sa 51 na mga Palestino ang nasawi matapos na pagbabarilin sila ng mga Israeli forces.

Nangyari ang insidente malapit sa pila kung saan ibinabahagi ang mga pagkain sa northern Gaza.

Hindi naman bababa sa 200 katao ang sugatan sa insidente Khan Younis.

Karamihan sa mga nasawi sa Gaza noong nagdaang mga araw ay may kinalaman sa pila sa mga pagkain.

Ikinalungkot at kinondina naman ng World Health Organization ang nasabing insidente.