Sarah Sanders

Inanunsiyo ni White House Press Secretary Sarah Sanders ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto.

Sinabi nito na hanggang sa katapusan na lamang ng buwang ito mananatili sa kaniyang tungkulin.

Ayon naman kay US President Donald Trump, kaya raw nagbitiw sa puwesto si Sanders dahil ito ay tatakbo bilang governor ng Arkansas.

Noong nakaraang linggo kasi ay nagkaroon ng pribadong pag-uusap si Sanders at Trump at lumutang ang balakin na pagtakbo nito bilang Arkansas governor.

Mas pipiliin pa raw nito ang pagpasok sa politika bilang governor kaysa sa magtrabaho sa telebisyon.

“After 3 1/2 years, our wonderful Sarah Huckabee Sanders will be leaving the White House at the end of the month and going home to the Great State of Arkansas. She is a very special person with extraordinary talents, who has done an incredible job! I hope she decides to run for Governor of Arkansas – she would be fantastic. Sarah, thank you for a job well done!