OKLAHOMA CITY – Sa pagkakataong ito hindi na pinalampas ng Oklahoma City Thunder na makahulagpos pa sa kanilang kamay ang unang panalo laban sa Houston Rockets sa Game 3 ng first-round sa Western Conference playoff series.

Nagdoble kayod pa si Rusell Westbrook at naiposte ang panibagong triple double para maputol ang pamamayagpag ang Rockets, 115-13.

Kahit may panibagong triple double performance si Westbrook na may 32 points, 13 rebounds at 11 assists, tumulong naman sa opensa ang kanyang mga kasama.

Si Taj Gibson ay nagbuslo ng 20, habang sina Andre Roberson at Victor Oladipo ay merong tig-12 para sa Thunder at nagawang mailapit ang serye sa 1-2.

Nasayang naman ang big points ni James Harden na may 44 at sumablay ang 3-pointer niya na susi sana sa kanilang panalo.

Nagdagdag din sina Lou Williams ng 22 points at Ryan Anderson ng 18 para sa Rockets.

May tiyansa namang maitabla ng Thunder ang serye sa Game 4 na muling gaganapin sa Oklahoma City.