-- Advertisements --

Nagkasundo ang Oklahoma City Thunder at All-Star forward Jalen Williams sa isang limang taong kontrata na nagkakahalaga ng hanggang $287 million.

Ang extension ay bahagi ng serye ng kontratang pinirmahan ng mga pangunahing manlalaro para sa mga nanalo sa NBA ngayong taon.

Maalalalang noong Martes, pumirma si Shai Gilgeous-Alexander ng apat na taong extension na nagkakahalaga ng $285 million, habang si Chet Holmgren ay pumirma rin ng $250 million para sa limang taong kontrata.

Sa edad na 24, si Williams ay isa sa mga batang core players ng Thunder na magtatangkang panatilihin ang kanilang championship dynasty.

Magugunitang naabot ng koponan ang 68 panalo sa regular season at kinoronahan bilang NBA champions matapos talunin ang Indiana Pacers sa pitong laro noong Finals —ang una nilang titulo mula nang lumipat sa Oklahoma City noong 2008.

Sa buong 2024–25 season, nag-average si Williams ng 21.6 points, 5.3 rebounds, at 5.1 assists.

Sumailalim din ito sa operasyon noong Hulyo 1 at muling susuriin matapos ang 12 linggo.