Nagtamo ng hamstring injury sa kanang paa ang Filipino-American rookie na si Dylan Harper sa Game 2 ng Western Conference Finals sa pagitan ng San Antonio Spurs at Oklahoma City Thunder.
Nangyari ang insidente sa ikatlong quarter nang tangkain ni Harper na dumaan sa pagitan nina Ajay Mitchell at NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander para sa isang driving layup.
Sa kanyang pagbaba ay bumagsak siya at agad ininda ang sakit sa likod ng kanang hita.
Sinubukan pa niyang maglakad pabalik sa bench ngunit agad siyang sinamahan ng medical staff ng Spurs patungo sa locker room para sa agarang pagsusuri.
Bago ma-injure, nakapagtala si Harper ng 12 puntos, tatlong assists, at dalawang rebounds sa loob ng 25 minuto ng laro.
Kilala si Harper bilang kabilang sa NBA All-Rookie First Team ngayong taon at kamakailan ay nagtala ng double-double performance sa Game 1 ng serye.
















