-- Advertisements --
Hindi makakapaglaro sa Wimbledon tennis tournament si Victoria Mboko matapos magtamo ng injury sa tuhod.
Natamo ng 19-anyos na Canadian tennis player ang injury sa opening ng singles match nito laban kay Karolina Pliskova sa WTA Tournament sa Queen’s Club.
Sinabi ng world number 9 tennis star na nagkaroon itong MCL sa kaniyang kaliwang tuhod.
Dagdag pa nito na hindi siya makakapaglaro sa natitirang grass season kasama na ang Wimbledon.















