-- Advertisements --

Nagsilbing heavy-favorite ang Oklahoma City Thunder sa mga betting site sa US.

Bago ang laban, ang Thunder ay 7-point favorites laban sa Pacers, batay sa naging projection ng DraftKings Sportsbook.

Sa ilalim ng naturang projection, ang over/under ng total team points para sa OKC ay 110.5 habang sa Indiana ay aabot lamang sa 103.5. Ibig sabihin, bago pa man ang Game 7 ay mas mataas na ang tyansa ng OKC na maipanalo ang laban.

Ilalim ng simulation at projection na ginawa ng mga nangungunang betting site sa US, ang moneyline para sa OKC ay hanggang -265. Ibig sabihin, kailangang magbayad ang isang mananaya ng $265 para makapagbulsa ng $100 na panalo.

Mas mababa ito kumpara sa Pacers, na nangangahulugang mas mababa ang tyansa ng Pacers na manalo sa naturang laban.

Umaabot kasi sa +260 ang moneyline para sa Indiana ngayong Game 7. Ibig sabihin, kung tumaya ang isang bettor ng $100 sa Pacers, magbubulsa siya ng $260 kung tuluyan sana itong nanalo sa laban.

Kabilang sa mga kilalang celebrities sa na tumaya sa OKC ay ang rapper na si Drake. Tumaya ang rapper ng $600,000 para sa OKC para maipanalo sana ang Game 6 ngunit tuluyan ding natalo ang koponan.

Isa pang OKC fan ang pumusta ng $105,000, gamit ang +160 moneyline. Ibig sabihin, ngayong nanalo ang OKC ay nag-uwi ito ng $298,000 na kita.