-- Advertisements --

Naglabas ng thunderstorm advisory ang state weather bureau nitong Sabado ng gabi para sa anim na lalawigan sa Luzon.

Ayon sa weather bureau, posibleng makaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog, kidlat at malalakas na hangin ang Batangas, Zambales, Bataan, Cavite, Tarlac at Pampanga sa loob ng susunod na dalawang oras.

Idinagdag ng ahensya,  na nararanasan na ang naturang kondisyon sa ilang bahagi ng Quezon province, partikular sa Patnanungan, Burdeos, Mulanay at San Francisco. 

Maaari umano itong tumagal ng hanggang dalawang oras at makaapekto rin sa kalapit na lugar.

Samantala, ipinaliwanag ng weather bureau na ang masamang lagay ng panahon ay dulot ng southwest monsoon o habagat at ng trough ng low-pressure area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).