Arestado ang isang watch-listed drug personality at ang dalawang kasamahan nito sa isinagawang buy-bust operations ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang watch-listed drug personality na si Sanqui Nomer y Vitriolo, 45 years old,at ang dalawang kasamahan nito na sina: Mark Reseff Cruz 30; at Efren Sabeniano 53.

Naaresto ang tatlo ng mga mga elemento ng PDEA Regional Office IV-A (PDEA ROIV-A) sa ilalim ni Director Archie Grande sa may vicinity ng Walter Mart Parking sa Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalaang shabu, na may estimated market value na Php350,000.00.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.