-- Advertisements --

Sinampahan ng Washington DC ang federal government matapos ang pag-takeover nito ng kanilang police force.

Sinabi ni city attorney general Biran Schwalb na iligal ang pagdeklara ang US government sa pag-takeover ng Metropolitan Police Department (MPD).

Tinawag pa nito na inaabuso ang temporary at limitadong otoridad na nasa ilalim ng batas.

Sa nasabing reklamo ay hiniling nila sa judge na bawiin ang kautusan ni US Attorney General Pam Bondi at pigilan ang head ng DEA na umupo sa puwesto.

Magugunitang idineklara ni US President Donald Trump na gagamit ito ng federal law enforcement para labanan agn krimen sa Washington.

Mula noon ay nagpadala na ito ng ilang daang mga National Guard members at ilang federal agents para linisin ang mga homeless encampments, magsagawa ng checkpoints at iba para mabawasan ang krimen.