-- Advertisements --

Ipinakita ng Britanya ang kanilang Her Majesty Ship Queen Elizabeth aircraft carrier sa defense chief ng Japan.

Isinagawa ito sa naval base sa Tokyo kasabay ng pagsisimula ng permanent military presence sa rehiyon.

Layon nito ay para makontra ang pagpapalakas ng China sa nasabing rehiyon.

Inikot nina Japanese defense minister Nobuo Kishi at mga senior Japanese military commanders ang mga carrier sa pagitan ng mga nakapalibot na F-35B stealth fighters.

Magugunitang itinuturing ng Japan na isang banta sa kanilang seguridad ang China dahil sa umano sa pagpapalipad ng eroplano nito sa Taiwan.