step 3
-- Advertisements --

Nagpakitang gilas ang Golden State Warriors superstar na si Stephen Curry nang magbuhos ng 41 points upang ilampaso nila ang Portland Trail Blazers sa score na 119-97 sa final preseason game.

Ang score ni Curry ay pumangatlo sa pinakamaraming puntos sa isang exhibition game sa nakalipas na 15 taon.

Ang nakakabilib na performance ni Curry ay sinabayan nang sigawan ng mga fans na “MVP!”, “MVP!.”

Maging ang coaching staff ng team ay napahanga rin dahil sa edad na 33-anyos na Curry ay mistulang pa rin itong makina sa walang humpay na pagbuslo ng bola.

Kung maalala si Curry ay two-time MVP.

-- Advertisement --

Sa darating na Miyerkules ay simula na ng bagong season ng NBA kung saan buwena manong makakaharap ng Warriors ang Los Angeles Lakers.