Photo courtesy of NBA

Nanatili pa rin na crowd favorite ang Golden State Warriors na makakuha ng kampeonato sa NBA ngayong taon.

Ito ang lumabas sa mga ilang betting odds sa Las Vegas.

Itinuturing kasi na ito ang panglimang tangka na pagkuha ng Warriors ng titulo sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr.

Sa pagtatapos na 82-games ng regular season ay nangunguna pa rin ang Warriors.

Marami namang basketball experts ang nagsasabing wala pang koponan ang pipigil na makuha ng Warriors ang ikatlong sunod na kampeonato na siyang pangapat sa limang taon.

Sumunod sa Warriors na paborito ay ang Houston Rockets, Toronto Raptors, Milwaukee Bucks, Philadelphia Sixers , Boston Celtics, Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs.