DeMarcus Cousins/ Photo courtesy of NBA

Nagpasabog ng 21 points at 10 rebounds si DeMarcus Cousins upang pamunuan ang Golden State Warriors sa 108-90 pagdispatsa sa Los Angeles Lakers.

Sa huli nilang apat na laro sa regular season, hawak ng Warriors ang best record sa West (54-24) at abanse ng dalawang laro kontra sa Denver, na nasa ikalawang puwesto.

Nagdagdag din ng 15 points, walong assists at anin na rebounds si Kevin Durant, habang may pitong puntos at 10 rebounds si Stephen Curry.

Sumandal ang Lakers kay Johnathan Williams na nagpakawala ng 17 points at career-high 13 rebounds mula sa bench.

Agad na kumayod ang Golden State sa first quarter matapos magtala ng 64% mula sa floor at umabanse ng 27 points.

Habang nagmintis ang lahat ng 10 pagtatangka ng Lakers sa 3-point line sa first quarter.