House of Rep
House of Rep/ FB post

Hindi mapapalitan ang mga uupong chairman ng mga komite sa Kamara sa 18th Congress loob ng tatlong taon.

Ito ang iginiit ni Albay Rep. Joey Salceda matapos dumalo sa meeting ng mga kongresista kagabi sa pangunguna ni Taguig City Representative Alan Peter Cayetano.

Kung mayroon aniyang term sharing sa mga uupong Speaker sa 18th Congress, hindi naman ito ang magiging sitwasyon para sa committee chairmanships.

Sinuman aniya ang mapipili ni Cayetano na chairman sa mga komite, ang “assumption” daw nila ay ito na rin ang siyang uupo pagka-upo ni Velasco.

Si Cayetano ay uupong Speaker sa loob ng 15 buwan habang si Velasco naman ay magiging lider ng Kamara sa natitirang 21 buwan.

-- Advertisement --

Samantala, sinabi ni Salceda na mayroon na silang criteria sa pagpipili sa kung sino ang itatalagang chairman sa bawat komite.

Kabilang na aniya rito ay ang party composition, seniority at continuity in service.