chopper helicopter crash gamboa

Pinawi ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang haka-haka na sabotahe o sinadya ang nangyaring pagbagsak ng Bell 429 chopper noong Huwebes kung saan sakay si Gamboa at ang pito pang opisyal ng PNP.

Ayon kay Gamboa na hindi siya naniniwala na may nagsabotahe sa insidente at walang matinong tao na gagawa ng pananabotahe.

Para kay PNP chief aksidente ang nangyari.

Pero hiling ni Gamboa na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng SITG Bell 429 sa pamumuno ni Lt Gen. Guillermo Eleazar.

Aniya, hindi pa siya nagbibigay ng opisyal na pahayag sa SITG.

Lahat aniya ng sakay sa chopper ay kukuhanan ng pahayag.

Nasa maayos na kalagayan na ang mga ito habang naka-confine pa ang dalawang piloto at isang crew.

Bumubuti na rin ang kondisyon nina Maj. Gen. Jovic Ramos at May. Gen. Mariel Magaway na nasa ICU ng Asian Hospital.

crame PNP chief gamboa crash