Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Rome sa Philippine Honorary Consulate kaugnay sa pagtama ng malakas na lindol sa Albania kamakailan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nasaktan o nasawi sa nasabing pagyanig.

Sa kanila nito, inaalam pa rin ng embahada sa Roma ang sitwasyon ng mga Pinoy sa nasabing bansa makaraang bumulabog ang magnitude 6.4 na lindol doon noong Martes.

Umabot na sa 30 ang bilang ng mga namatay habang higit 600 ang nasaktan sa naturang lindol.