Reading Time: 1 minute

CEBU CITY – Sigurado umanong walang pasok sa trabaho at sa ilang mga paaralan sa bansang Canada matapos ang panalo ng Toronto Raptors laban sa Golden State Warriors sa 2019 NBA Finals.

Ito ang inihayag ni Faith Giduquio-Robertson, isang Pinay na physical therapist sa Canada at nakapag-asawa rin ng Canadian.

Ayon kay Robertson na abot-langit ang saya ng mga Canadian at ng mga Pinoy nang nasungkit sa kauna-unahang pagkakataon ng Raptors ang NBA Finals championship title.

Masayang ibinihagi nito na may street party sa lahat ng mga kalsada sa Canada kung saan lahat ay naghihiyawan, nagsasayawan at mayroon pa raw fireworks display sa Jurassic Park kung saan tinatayang umabot sa halos 50,000 katao ang nanood sa NBA Finals Game 6.

Umaasa na lang si Robertson na hindi lang ito ang una at huling panalo ng Raptors sa NBA.