-- Advertisements --
Patay ang 20 katao matapos ang naganap na stampede sa aid distribution center sa southern Gaza.
Ang aid distribution ay pinangungunahan ng US at Israel-backed Gaza Humanitarian Foundation (GHF).
Ayon sa GHF na 19 ang nasawi agad habang isa ang patay matapos masaksak.
Hindi naman bababa sa 40 katao ang dinala sa pagamutan matapos magtamo ng sugat.
Inakusahan naman ng Government Media Office ang security contractors na siyang nasa likod ng stampede dahil sa pagsara nila ng mga gates.
Itinanggi naman ng GHF na gumamit sila ng mga tear gas para suwayin ang mga tao na hindi pumila sa pamamahagi ng pagkain.