-- Advertisements --

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pang sapat na ebidensya ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para idiin ang mga kongresistang idinadawit sa katiwalian.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na may mga natanggap nang sumbong ang PACC at sasailalim ito sa malalimang imbestigasyon.

Kabilang sa mga pinangalanang sangkot umano sa korapsyon ang mga sumusunod:
Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato
Dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat Jr.
Quezon City Fifth District Rep. Alfred Paulo Vargas
Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal
Isabela Fourth District Rep. Alyssa Sheena Tan
Northern Samar Rep. Paul Daza
Quezon province Rep. Angelina Helen Tan
ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap
Bataan Rep. Geraldine Roman

Bahagya namang natigilan ang chief executive nang may mabasang “Paulo” sa listahan ng mga pangalan, kung nagkataon daw kasing ang anak niya (Rep. Paulo Duterte) ang dawit sa isyu ay mapipilitan siyang mag-resign, kagaya ng dati kaniyang naging pangako.

Maliban sa pagpapanghalan sa mga mambabatas, inalis naman sa pwesto ang mga district engineer na sinasabing dawit din sa iligal na gawain.

Inaatasan ang mga ito na humarap kay Public Works Sec. Mark Villar ngayong araw para magpaliwanag ukol sa pagkakasangkot ng mga ito sa isyu ng kickback at iba pang katiwalian.