Naibenta sa auction ang lightsaber sword na ginamit ni Darth Vader ng ‘Star Wars’ sa halagang $3.6 milyon.
Ang nasabing lighsaber ay ginamit sa pelikulang “The Empire Strikes Back” at “Return of the Jedi”.
Hindi nila inaasahan na aabot sa ganun na presyo dahil sa una ay aabot lamang ng $1-m hanggang $3-M ang estimate.
Ayon kay Brandon Alinger ang chief operating officer ng Propstore ang kumpanya na nagbenta ng saber na nahigitan nito ang mga naunang props na ginamit sa “Star Wars” na nagkakahalaga ng $2.3-M.
Ang nasabing auction ay bahagi ng Entertainment Memorabilia Live Auction: Los Angeles Summer 2025 na magtatapos hanggang Setyembre 6.
Ilan sa mga ibinebenta sa auction ay ang costume ni Tobey Maguire sa “Spider-Man2” at “Batman” 89 suit na ginamit ni Michael Keaton.