-- Advertisements --

Pumanaw na ang Oscar-winning editor ng original Star Wars film na si Marcia Lucas sa edad na 80.

Ikinasal si Lucas sa creator ng Star Wars na si George Lucas noong kasagsagan ng ginagawa ang una sa tatlong pelikula.

Sinabi ng kaniyang pamilya na namayapa si Lucas dahil sa metastatic cancer sa kaniyang bahay sa Rancho Mirage, California.

Nagwagi siya sa Academy Award para sa Best Film Editing noong taong 1977 “Star Wars: A New Hope”.

Isinilang bilang si Marcia Griffin sa Modesto, California noong 1945 kung saan nagsimula ang kaniyang career bilang film librarian matapos maging isa sa mga respetadong editors sa Hollywood.

Nakasama rin siya sa mga pelikula ng director Martin Scorsese gaya ng “Alice Doesn’t Live Here Anymore”, “Taxi Driver” at “New York, New York”.

Bumalik siya sa paggawa ng Star Wars kung saan nakasama siya sa “The Empire Strikes Back” noong 1980 at “Return of the Jedi” noong 1983.