Nakatakdang ipatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga water detention facility at iba pang proyekto para mabawasan ang matinding pagbaha sa Parañaque City.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, kabilang ang mga ito sa malawakang flood management program ng pamahalaan para sa Metro Manila.
Nakuha rin ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang garantiya ni Dizon na matutuloy na ang matagal nang nakabinbing Parañaque Spillway Project.
Sinabi ni Dizon na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DPWH na unahin at simulan ang proyekto, na itinuturing na pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa southern Metro Manila, Laguna at Cavite.
Nagpahayag naman ng pangamba si Yamsuan na maaaring lumala ang pagbaha sa Parañaque kapag natapos ang ilang flood control projects na maaaring magpalipat ng malaking volume ng tubig patungong Laguna de Bay.
Samantala, sinabi ni Dizon na hindi na sapat ang simpleng dredging at paglilinis ng mga daluyan ng tubig.
Kabilang sa mga pinag-aaralan ang underground water detention basins sa mga bakanteng lugar, parke, basketball court at iba pang open spaces upang pansamantalang maimbak ang tubig-ulan.
Ayon kay Dizon, magiging hamon sa mga proyekto ang right-of-way, lalo na sa mga










