Sinampahan na ng kaso ng prosecutors sa California ang singer nasin Britney Spears dahil sa pagmamaneho habang nakainom ng nakakalasing na inumin.
Nahaharap ito sa kasong isang misdemeanour count of driving under the influence of any alcohol and drug.
Ang kaso ay may kinalaman sa pagkaaresto ng 44-anyos na singer noong Marso 4 sa southern California kung saan nahuli ito dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan.
Isinampa ng Ventura County District Attorney’s Office
Matapos ang insidente ay pumasok ang 44-anyos na singer sa isang rehabilitation treatment facility.
Nakatakda naman sa araw ng Lunes ang kaniyang court arraignment kahit na hindi ito required na dumalo dahil sa maliit lamang na kaso.
Nilinaw naman ng prosecutors office na walang anumang pagkakulong na maaaring ipataw sa singer dahil sa wala itong nasagasaan o nadamay sa insidente.
















