-- Advertisements --
Hindi pa rin makapaniwala ang girl group na BINI na makapagtanghal sila sa sikat na music festival na Coachella sa California.
Umabot sa 42 minuto ang kanilang performances kung saan inawit nila ang 10 hits nila.
Halos lahat ng mga miyembro nila ay nasa cloud-9 pa rin dahil sa mainit na pagtanggap ng mga fans mula sa ibang bansa.
Bumuhos naman ang pagbati sa kanilang social media ang mga fans at ilang mga local celebrities.
Sa araw ng Biyernes, Abril 17 ay muling magtatanghal ang BINI sa Coachella.
















